Malakanyang, nakatutok sa pangangailangan ng mga tinamaan ng bagyong Maring
Nakabantay ang Malakanyang sa operasyong ginagawa ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kaugnay ng Tropical Storm Maring.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tinitiyak ng Malakanyang na lahat ng requests para sa search, rescue at relief operations ay tutugunan ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan katulong ang mga Local Government Units.
Sinabi ni Roque nakasuporta ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection sa lahat ng responde na kakailanganin.
Inihayag ni Roque batay sa datos na nakarating sa Malakanyang, nasa 465 families o 1, 585 indibidwal sa Regions 2 at 8 ang nailikas samantalang nasa mahigit 12 milyong pisong standby fund ang inihanda ng DSWD habang may available nang 373, 737 Family Food Packs na nagkakahalaga ng 219 million pesos ang handang ipapamahagi sa mga tinamaan ng bagyong Maring.
Panawagan ng Malakanyang sa publiko na mag-ingat at makipagtulungan sa mga local authorities dahil bukod sa kalamidad ay patuloy pa rin ang Pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac