12:00 AM – 4:00 AM curfew, ipatutupad sa NCR simula Oct. 13
Nagkasundo na ang mga alkalde na paikliin ang curfew hours sa Metro Manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, simula bukas October 13, gagawin nang alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ang curfew.
Dulot ito ng pagbaba ng kaso ng nagkakaroon ng Covid-19 sa Metro Manila batay na rin sa report ng Department of Health.
Samantala, inaprubahan ng Metro Manila Council ang resolusyon para sa pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo mula October 29 hanggang November 2.
Ito’y para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at mass gathering.
Maaari naman aniyang bumisita na ang mga pamilya ng mga namatayan sa mga sementeryo bago pa man ang undas pero dapat hanggang 30 percent lang ang capacity batay sa inaprubahang guidelines ng Inter-Agency Task Force.
Meanne Corvera