Guidelines sa pagdiriwang ng Undas ng mga Katoliko, binabalangkas na ng IATF
Binubuo na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang guidelines na ipatutupad sa pagdiriwang ng Undas ng mga Katoliko sa November 1.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pangunahing isasaalang-alang ng IATF ang kaligtasan ng publiko dahil sa patuloy na banta ng Pandemya ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Roque, kokunsultahin ng IATF ang mga lokal na pamahalaan para makakuha ng consensus sa babalangkasing guidelines.
Inihayag ni Roque magkakaroon ng assessment ang IATF sa patakaran sa mga mass gathering lalo na sa pagdiriwang ng Undas ng mga Katoliko dahil posibleng maging super spreader ng Coronavirus ang naturang okasyon.
Niliwanag ni Roque pangunahin pa ring panlaban sa COVID-19 ang bakuna, pagsusuot ng facemask, faceshield, paghuhugas ng kamay at physical distancing.
Vic Somintac