SC hinimok ang paggamit ng alternative dispute resolutions para sa mas mabilis na pagresolba ng mga kaso sa trial courts
Inatasan na ng Office of the Court Administrator (OCA) ang mga hukom sa first- at second- level courts sa bansa na himukin ang mga litigants na mag-resort sa alternative dispute resolution mechanisms para mas maging mabilis ang pagresolba sa mga kaso.
Ang sirkular ay inisyu ng OCA kasunod ng naging talumpati ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa unang virtual convention ng Philippine Judges Association noong Setyembre.
Ang mga halimbawa ng alternative dispute resolutions ay mediation at judicial dispute resolution.
Sa talumpati ni Gesmundo, sinabi nito na hikayatin ng mga huwes ang paggamit alternative dispute resolutions sa loob at labas ng korte.
Ito ay upang maresolba aniya ang mga kaso ng “less time and effort” sa panig ng hukom at “less expense” naman sa parte ng litigant.
Ipinagutos din sa OCA circular na bigyang prayoridad ang mga kasong binanggit ng punong mahistrado.
Ang mga ito ay ang matagal nang naka-pending na kaso na may kaugnayan sa mga kababaihan at bata.
Maging ang mga kaso gaya ng aplikasyon sa TRO, protection orders, writ of habeas corpus, writ of amparo at habeas data, at writ of kalikasan.
Pinabibigyang prayoridad din sa mga hukom ang mga kasong ukol sa expropriation at
infrastructure projects ng gobyerno at ang mga commercial- and economic-impact cases.
Moira Encina