Unang mobile app para sa mental healthcare sa bansa, inilunsad
May mobile application na ang bansa para sa mental health at self-care.
Ito ang Lusog-Isip na binuo ng DOH at ng USAID bilang tugon sa lumalaking pangangailangan para sa mental healthcare ngayong pandemya.
Inilunsad ang app kaalinsabay ng 4th Public Health Convention on Mental Health.
Ayon sa US Embassy, ang Lusog-Isip ang kauna-unahang app ng Pilipinas para sa mental health.
Magiging available ito sa Google Playstore at Apple App Store.
Layon ng app na mapalawak ang access sa culturally adapted, evidence-based tools at interventions sa mental health.
Umaasa si USAID Philippines Office of Health Director Michelle Lang-Alli na ang Lusog-Isip ay makapagbigay ng access sa self-help tools at materials upang mapagbuti ang mental health ng mga kliyente, at matugunan din ang substance abuse.
Ini-screen ng app ang mga indibiduwal para mabatid ang kanilang overall well-being at kung paano sila nagku-cope sa stress bago magrekomenda ng mga paraan para matulungan ang sarili sa pamamagitan ng
workbooks, ehersisyo, audio guides, journaling, mood tracking, o self-care reminders.
Nagbibigay din ang app ng listahan ng mental health at psychosocial support service providers sa kalapit na lugar at online.
Moira Encina