Pagtaas ng presyo ng fertilizer, pinaaaksyunan
Pinaakysunan ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri sa Department of Agriculture ang biglang pagsirit rin ng presyo ng fertilizer dahilan rin ng malaking lugi ng mga magsasaka.
Ayon kay Zubiri, maraming kooperatiba at samahan ng mga magsasaka ang lumapit at humingi ng tulong sa kanya dahil sa matinding pagkalugi ngayong may nararansang Pandemya.
Isa sa tinukoy ni Zubiri si Fertilizer and Pesticide Authority Executive Director Wilfredo Roldan na nagsabing tumaas ang presyo ng fertilizer dahil sa global demand.
Katunayan mula aniya sa dating 800 hanggang 900 kada 500 grams na pataba, sumirit ito sa 1,500 hanggang 1,800 pesos.
Mataas aniya ang presyo ng pataba pero napakababa ng farm gate price ng mga gulay at iba pang agricultural products.
Imbes na makarekober ang mga magsasaka lalo pa aniya silang nalulugi dahil sa napakamahal na mga farm input.
Hinihingan na ng report ni Zubiri ang DA kung ano ang nangyari sa mga proyekto para makapag-produce ng local fertilizer at hindi na kinakailangang umangkat pa ang bansa
Senador Juan Miguel Zubiri:
“Ang dami pong lumalapit sa akin na farmers’ groups and cooperatives lately, nanghihingi ng tulong dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng fertilizer. Ang baba na nga ng benta ng produkto nila, tapos ang mahal pa ng fertilizer. and with no support from the government, hindi na po talaga sila kikita”.
“Hindi pa nga nakaka-recover ang mga magsasaka natin, lalo pa silang malulugi sa presyo ng farm input. and of course, that will affect the whole chain. it will put our farmers out of business, and it will definitely set us back in our efforts to become more self-sufficient in our production. aasa na naman ba tayo sa imports”?
“The best way to address this is for the da to lead the efforts in really developing our local fertilizer industry. how is it that we are an agricultural country, and yet we’re a net importer of fertilizer? we should make fertilizer production a homegrown industry, as an essential part of our agricultural sector”.
Meanne Corvera