Tinatayang 200 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa isang anti-drug operation sa Angeles City
Tatlompu’t walong kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 200 milyong piso, ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, sa Barangay Pulung Cacutud sa lungsod ng Angeles sa Pampanga.
Pinangunahan ni Director General Wilkins Rivera ang anti-drug raid sa nasabing lugar, kung saan apat na Chinese nationals ang nasawi sa nasabing operasyon.
Pinuri naman ng alkalde ng lungsod na si Mayor Carmelo Lazatin, Jr. sina Rivera, PDEA Region 3 director Bryan Babang at ang mga kawani ng PDEA, sa matagumpay na operasyon, at sa patuloy na pagpapalakas sa kampanya ng lungsod laban sa iligal na droga.
Desiree Manansala kasama si EBC Correspondent Aaren Quiambao