Judge, inaprubahan ang name change request ni Kanye West

Photo: AFP

Tatawagin na ngayong Ye, ang artist na dating kilala bilang Kanye West.

Ito’y matapos aprubahan ng isang judge sa Los Angeles, ang name change request ng 44-anyos na artist.

Ayon sa isang communications officer sa Los Angeles Superior Court, si West ay nag-file ng request noong August at sinabing “personal reason” ang dahilan nito.

Dahil sa bago niyang pangalan na Ye, nangangahulugan na ang Grammy-winning rapper ay wala nang last o middle name. Ang buong pangalan niya dati ay Kanye Omari West.

Noong 2018, si Ye ay naglabas ng album na iyon din ang pamagat. Ang pangalang Ye ay matagal na niyang ginagamit noon bilang palayaw.

Ayon kay Ye . . . “I believe “ye” is the most commonly used word in the Bible, and in the Bible it means you. So it’s I’m you, I’m us, it’s us. It went from being Kanye, which means the only one, to just Ye being a reflection of our good, our bad, our confused, our everything.”

Nito namang August, si Ye ay nag-release ng isang 2-hour, 27-track album na pinamagatang “Donda,” na naantala ng ilang linggo ang pagpapalabas.

Kamakailan ay mas naging sikat ang personal life ni Ye kumpara sa pagiging singer/rapper nito, nang magkaroon siya ng kaugnayan kay Kim Kardashian.

Matatandaan din na noong isang taon ay tumakbo bilang pangulo ng Estados Unidos si Ye, subalit nabigo itong manalo. (AFP)

Please follow and like us: