North Korea, nagsagawa ng test sa bago nilang submarine-launched ballistic missile
Matagumpay na naisagawa ng North Korea ang testing sa bagong uri ng submarine-launched ballistic missile (SLBM).
Ayon sa official Korean Central News Agency, ang device ay maraming advanced control guidance technologies.
Pinakawalan ito mula sa kaparehong vessel na ginamit ng North Korea sa una nilang SLBM test, 5 taon na ang nakalilipas.
Hindi naman nabanggit sa report si North Korean leader Kim Jong Un, o may indikasyon man na hindi nito sinaksihan ang event.
Sinabi ng mga analyst, na batay sa images, ang pinakawalang missile ay tila isa sa mga missile na ipinarada ng Pyongyang sa isang defence exhibition noong nakalipas na linggo.
Ang huling test na pinakawalan malapit sa Simpo, kung saan naroroon ang isang major naval dockyard, ay ginawa sa panahong kapwa ang South at North Korea ay nagpapalakas ng kanilang weapons capabilities, sa isang tila maituturing na “arms race” sa Korean peninsula, at sa panahon ding tigil ang Washington-Pyongyang dialogue. (AFP)