Bilang ng gumaling mula sa Covid-19 sa Pasay City, patuloy na nadaragdagan

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa sakit na Covid-19 sa Pasay City.

Katunayan, nasa 24 na pasyenteng gumaling ang naragdag sa talaan ng city health office.

Dahil dito, umakyat na sa 20,912 o 92.46% ang kabuuang bilang ng Covid-19 recoveries sa lungsod.

Halos sunod-sunod na araw ding walang naitatalang namatay dahil sa coronavirus.

Samantala, umaabot naman sa 21,680 ang kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 sa Pasay City, matapos na may maragdag na 30 bagong kaso.

Patuloy naman ang paalala sa publiko ng mga opisyal ng Pasay, na pamalagiin ang pagsunod sa health and safety protocols kahit ibinaba sa alert level 3 ang status sa NCR.

Jimbo Tejano

Please follow and like us: