Phase 2 ng Covid-19 vaccination sa mga kabataan, sisimulan na sa Biyernes
Sisimulan na sa Biyernes ang ikalawang phase ng pagbabakuna kontra Covid-19 para sa mga kabataan na nasa edad 12 hanggang 17 anyos na may comorbidities.
Ayon kay Dr. Kezia Rosario, ng National Vaccination Operations Center, may 23 ospital ang makakasama sa phase 2.
Ayon sa Department of Health, hanggang nitong Oktubre 19, nasa 3,416 kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos na ang nabakunahan kontra Covid-19.
Ayon kay Rosario, nananatili namang 4 lamang ang kanilang naitalang nakitaan ng adverse effects sa mga ito.
Sa 4 na ito ay 1 lang ang nakaranas ng serious adverse effects kung saan nagkaroon ito ng sintomas ng allergic reaction.
Pero agad rin naman aniya itong nabigyan ng atensyong medikal.
Ang iba naman ay nakaranas ng stress sa panahon ng vaccination.
Pero sa kabuuan ayon kay Rosario ay naging maayos naman ang pagbabakuna sa mga Kabataan.
Natapos na rin aniya ang pagbabakuna sa mga batang nasa edad 15 hanggang 17 kaya nasisimulan narin ang pagbabakuna sa mga nasa edad 12 hanggang 14.
Madz Moratillo