Alert Level 3 sa NCR, mananatili mula Nov. 1 -14
Pinalawig pa ng National Task Force ang pag-iral ng Alert Level 3 sa National Capital Regionmula November 1 hanggang November 14.
Kasama rin sa Alert level 3 ang Baguio City, Bataan, Cavite, Laguna, Rizal, Iloilo City, Siquijor, Lanao del Norte, Davao City at Davao del Norte.
Alert level 4 ang Aurora, Bacolod City, Negros Oriental at Davao Occidental.
Alert level 2 naman ang Angeles City, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Batangas, Quezon Province, Lucena City, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu Province, Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao Oriental.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque bagamat bumababa na ang attack rate at transmission rate ng COVID-19 ganundin ang hospital bed utilization sa NCR minabuti ng IATF na panatilihin pa rin ang alert level 3 sa Metro Manila para maiwasan ang muling paglaganap ng Pandemya ng Coronavirus.
Ayon kay Roque maging ang rekomendasyon ng Department of Transportation na itaas na sa 100% ang operational seating capacity ng mga pampublikong sasakyan mula sa kasalukuyang 50% ay hindi pinayagan ng IATF at itinaas lamang ito hanggang 70% mula November 4.
Vic Somintac