PhilHealth, pagpapaliwanagin ng Senado
Pagpapaliwanagin ng Senado ang PhilHealth oras na isalang na ang pondo nito sa plenaryo ng Senado sa susunod na linggo.
Nadismaya si Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate finance committee bakit hanggang ngayon hindi pa rin nagbabayad ang PhilHealth gayong matagal nang nagrereklamo ang mga ospital sa mabagal na pagre-imburse ng gastos ng mga pasyente at ospital.
Ayon sa Senador kada buwan otomatikong kinakaltasan ang milyon milyong mga Pilipino mula sa kanilang sweldo bilang kontribusyon sa PhilHealth .
Sa ilalim rin aniya ng 2021 Budget , naglaan ng 70 Billion pesos na dagdag subsidiya ang kongreso sa PhilHealth.
Hindi aniya katanggap tanggap ang mga ganitong reklamo lalot nasa panahon ng public health emergency ang bansa.
Pangamba ng Senador maaring bumagsak ang healthcare system kapag nagpatuloy ang hindi pagbabayad sa mga ospital na isa ring malaking perwisyo sa mga pasyente.
Meanne Corvera