COVID-19 mass vaccination para sa mga menor de edad sa Maynila , Sisimulan na

Sisimulan na sa Maynila bukas ang Covid-19 mass vaccination para sa mga menor de edad.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay para sa general population na ng mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos kahit walang commorbidities ay babakunahan narin.

Gagawin aniya ito sa 6 na District Hospitals sa Lungsod gaya ng Sta Ana Hospital, Ospital ng Maynila Medical Center, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Tondo, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center at Jose Abad Santos General Hospital.

Ang bakunahan ay mula 7am hanggang 4pm.

Batay sa datos ng Manila LGU, umabot na sa 51,551 menor de edad ang nagparehistro at nais magpabakuna kontra Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: