Mga LGU na mahina ang performance sa anti COVID – 19 vaccination rollout pananagutin ni Pangulong Duterte
Hindi kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa daily anti COVID-19 vaccination performance ng mga Local Government Units o LGU’s.
Inihayag ng Pangulo sa kanyang weekly Talk to the People na nakita ang problema sa mabagal na rollout ng anti COVID-19 sa mga probinsiya.
Naglabas ng direktiba ang Pangulo kay Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año na tutukan at papanagutin ang mga non- performing LGU’s sa rollout ng anti COVID-19 vaccine.
Pinakilos na rin ng Pangulo ang Armed Forces of the Philippines o AFP at Philippine National Police o PNP para mapabilis ang paghahatid ng mga bakuna sa ibat-ibang lugar ng bansa.
Nais ng Pangulo na maitaas ang daily anti COVID 19 vaccination rate ng isang milyon o higit pa upang makuha na ang herd immunity sa lalong madaling panahon at makabalik na sa normal ang buhay at pamumuhay ng bawat mamamayan.
Vic Somintac