Nationwide search para sa young artist scholars, sinimulan na ng Phil. High School for the Arts
Sinimulan na ngayong araw (November 3) ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), ang paghahanap sa mga nagnanais na maging artist scholars para sa Philippine High School for the Arts (PHSA), para sa school year 2022-2023.
Layon ng programang Annual Nationwide Search for Young Artist Scholars (ANSYAS), na alamin at hubugin ang mga artificially gifted at talentadong mga bata at maging artist of excellence sa larangan ng ballet at folk dance, creative writing, musika, teatro, at visual arts.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones . . . “We encourage every learner to be part of the continuing source of brilliant artists leaders in the preservation, conservation, and promotion of the Filipino artistic and cultural tradition.”
Ang kwalipikadong aplikante ay dapat na isang Filipino Citizen na may natatanging abilidad sa pagsasayaw (folk o ballet), musika (instrumento at tinig), creative writing, teatro, at visual arts; magiging Grade 6 student pagdating ng Agosto 2022 para sa school year 2022-2023; marunong ng oral at written language (English at Filipino), nasa mabuting kalusugan at papayag na pumasok sa isang boarding school.
Ang mga mapipili ay tatanggap ng full scholarship, kasama rito ang libreng tuition fee, board and lodging, buwanang stipend, individualized classes kasama ang master teachers, at may pagkakataon na katawanin ang bansa sa mga internasyunal na kompetisyon, arts festivals, at exchange programs.
Ang scholarship ay renewable bawat taon makaraang maisakatuparan ang parehong academic at non-academic requirements sa K to 12 Curriculum.
Maaaring ipadala ng mga interesadong aplikante ang kanilang application forms at requirements sa email at sa Annual Nationwide Search for Young Artist Scholar, sa Mt. Makiling, Los Baños, Laguna.
Ang Philippine High School for the Arts ay isang DepEd attached agency, kung saan taun-taon nitong inaaprubahan ang grant of scholarships, stipends, at iba pang allowances para sa nararapat na mga estudyante, alinsunod sa Executive Order (EO) No. 420, Series of 1990.