PRRD, ikinukonsidera ang pagtakbo sa Senado
Pinag-aaralang mabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagtakbo sa Senado sa eleksyon sa Mayo ng susunod na taon.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go, ikinukusidera pa rin ng Pangulo ang panawagang kumandidato siyang Senador kung makatutulong ito sa bansa.
Bagamat kuwalipikado sa posisyon, marami aniyang factor na ikinukonsidera ang Pangulo kasama na ang isyu kung makatutulong ito sa Senatorial slate ng PDP-Laban.
Wala naman aniyang kuwestyon sa isyu ng pagseserbisyo sa bayan ng Pangulo dahil nasubukan na ito sa mahigit limang taon niya sa puwesto bilang Pangulo.
Sa ngayon, masyado pa aniyang maaga para pag-usapan ang posibilidad na ito ang maaaring maging susunod na Senate President.
Ang pagiging lider aniya ng Senado ay pinagpapasyahan ng mayorya ng mga miyembro.
Meanne Corvera