Akbayan, nagsagawa ng taxpayers’ protest action sa harap ng Comelec
Nagsagawa ng kanilang tinatawag na taxpayers’ protest action ang ilang miyembro ng grupong Akbayan sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Maynila.
Panawagan nila sa Comelec, ipawalang-bisa ang Certificate of Candidacy ni dating Senador Bongbong Marcos na kumakandidato sa pagka-Pangulo sa 2022 elections dahil sa convicted ito sa Tax evasion noong 1995.
Giit ni Akbayan Partylist First Nominee Perci Cendaña, wala umanong ligal at moral na karapatan si Marcos na nahatulan ng tax evasion para humingi ng boto mula sa milyun-milyong Filipino taxpayers.
Apila nila sa Comelec, aksyunan na sa lalong madaling panahon ang petisyon na naglalayong madiskwalipika si Marcos sa Presidential race.
Pero ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi pa nara-raffle ang petisyon laban kay Marcos.
Posibleng sa Lunes, kasama ng iba pang cancellation petition na inihain sa Comelec ay maisalang ito sa raffle.
Madz Moratillo