Sotto at Lacson, umatras sa pagsusulong ng Death Penalty Law
Umatras na sina Senate President Vicente Sotto III at Senador Ping Lacson sa pagsusulong ng pagsasabatas ng death penalty.
Kapwa sinabi ng mga Senador na nagbago ang kanilang pananaw dahil may mga inosente sa kaso pero napaparusahan.
Ayon kay Sotto , may mas magandang solusyon sa halip na patawan ng kamatayan ang mga sangkot sa mga karumal dumal na krimen.
Mahihirapan rin aniya itong lumusot dahil halos tatlong taon na itong pinagdedebatihan sa kongreso.
Reporma rin sa Jail system ang nakikitang solusyon ni Lacson.
Ayon sa Senador , ang pagdurusa rin sa loob ng bilangguan hanggang kamatayan ay isa nang malaking parusa at hindi na kailangang patawan ng bitay.
Meanne Corvera