Inflation, bahagyang bumaba sa 4.6% nitong Oktubre
Bahagyang bumaba ang inflation o presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na sa 4.6% ang inflation nitong Oktubre, bahagyang bumaba kumpara sa 4.8% noong Setyembre.
Pero ayon kay PSA at National Statistician Dennis Mapa, pasok pa ito sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 4.5 hanggang 5.3%.
Kabilang sa mga produkto at serbisyo na nagtaas ang presyo ay ang mga produktong petrolyo, presyo ng isda, prutas at ilang agricultural products.
Meanne Corvera
Please follow and like us: