Mahigit 200 libong menor de edad nabakunahan na kontra COVID- 19
Umabot na sa 230,357 kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos dito sa bansa ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, sa bilang na ito .10% lang ang nakitaan ng adverse effects.
Ilan rito ay nakaranas ng pananakit sa lugar na tinurukan ng bakuna, pananakit ng ulo, nahilo, may nagkaroon ng anxiety at iba pang temporary reaction sa bakuna.
Pero pagtiyak ni Vergeire, agad rin naman na-manage ang mga ito.
12.7 milyong kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos ang target mabakunahan ng gobyerno kontra COVID-19.
Ayon sa DOH, ang 80% nito, target nilang mabakunahan bago matapos ang taon.
Madz Moratillo