Bilang ng mga medical frontliner na tinamaan ng COVID-19, higit 27,000 na

Umabot na sa 27,582 healthcare workers sa bansa ang tinamaan ng COVID-19.

Pero batay sa datos ng Department of Health, 99.1% o 27,320 sa kanila ang nakarekober na mula sa sakit.

Habang nasa .5% o 156 o nalang ang aktibong kaso.

Sa bilang na ito, 57 ang mild, 42 ang asymptomatic, 21 ang nasa moderate condition, 27 ang severe at 9 ang kritikal.

Ayon sa DOH, may 106 healthcare workers naman ang nasawi dahil sa COVID-19.

Pinakamarami sa kanila ay mga doktor, sinundan ng mga nurse at nursing assistant.

Madz Moratillo

Please follow and like us: