Mga ebidensya ng sexual abuse photos at recordings, hindi puwedeng iprisinta sa videocon hearings
Naglabas ang Korte Suprema ng panuntunan ukol sa presentasyon ng mga ebidensya na naglalaman ng sensitibong larawan at recordings ng mga kababaihan at bata.
Sa sirkular na inisyu ni Court Administrator Jose Midas Marquez sa mga hukom ng first- at second-level courts, sinabi na tanging sa in-court proceedings lamang puwedeng iprisinta ang mga ebidensya na may sexual abuse photos at recordings at hindi sa videoconferencing hearings.
Ito ay bilang konsiderasyon sa kapakanan ng mga biktimang babae at bata.
Pinapahintulutan pa rin ang videoconferencing hearings sa mga korte dahil sa limitado pa rin ang pisikal na pumapasok na kawani bunsod ng umiiral na COVID-19 restrictions.
Moira Encina