Pagbubunyi ng gobyerno sa tagumpay laban sa COVID-19, lubha pang maaga-Senador Drilon
Hindi pa umano napapanahon na ipagmalaki ng administrasyon na nananalo ang Pilipinas sa laban nito kontra sa COVID- 19 pandemic.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, nakabitin pa rin ang pagrekober ng bansa.
Tinukoy ni Drilon ang survey na ginawa ng Bloomberg na nagsasabing ang Pilipinas ang isa sa itinuturing na worst place sa panahon ng pandemya.
Katunayan nasa ika-limamput tatlo pa ang Pilipinas sa ranking ng COVID-19 resilience.
Bukod dito, patuloy pa ang pagtaas ng bilang ng mga unemployed o walang trabaho at milyon milyon pa rin ang nakakaranas ng gutom.
Ito aniya ang dahilan kaya mahalagang pagtuunan ng pamahalaan ang paglalaan ng pondo para sa pagbangon ng ekonomiya.
Meanne Corvera