COMELEC hindi na palalawigin ang deadline sa paghahain ng withdrawal at substitution ng mga kandidato para sa May 2022 elections
Hindi na palalawigin ng Commission on Elections ang deadline sa paghahain ng withdrawal at substitution ng mga kandidato para sa May 2022 elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang deadline para rito ay hanggang 5pm lang ng November 15 o sa Lunes.
Una rito, sinabi ng Comelec na bukas rin sila maging sa araw ng Sabado para ma-accommodate ang mga nais humabol sa deadline.
Sa ngayon, wala pa naman aniyang nagpasabi sa Comelec na kilalang personalidad na maghahain ng withdrawal o substitution.
Samantala, ngayong hapon, nagtungo sa Comelec ang ilang kinatawan ng Ang Pamilya Partylist at ACP Partylist para maghain ng withdrawal at substitution ng kanilang nominees.
Madz Moratillo