Guidelines para sa face to face classes sa kolehiyo, pinagtibay na ng IATF – Malakanyang
Inaprubahan ng Inter Agency Task Force o IATF ang isinusulong ng Commission on Higher Education o CHED na limited Face-to-Face Classes sa kolehiyo.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles papayagan ang limitadong face to face classes sa kolehiyo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 , 2 at 3.
Ayon kay Nograles magsisimula sa Disyembre ang phase 1 ng implementation ng face to face classes sa mga area na nasa Alert level 2.
Ang Phase 2 implementation period naman ay mula Enero ng 2022 sa mga lugar na nasa Alert Level 3 na makapag face to face classes.
Inihayag ni Nograles batay sa inaprubahang resolusyon ng IATF kinakailangang magpatuloy ang phased implementation ng face-to-face classes alinsunod sa Joint Memorandum Circular ng Department of Health o DOH at CHED.
Inihayag ni Nograles kasama sa mga dapat sundin sa pagsasagawa ng face to face classes sa kolehiyo ay kailangang hanggang 50 porsiyento lamang ang kapasidad ng silid- aralan, may kapahintulutan mula sa nakakasakop na Local Government Unit o LGU habang ang mga lalahok na estudayante, guro at non teaching personnel ay kailangang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Vic Somintac