Malakanyang nagpaliwanag sa pagtakbo ni Pangulong Duterte sa pagka- Senador sa 2022 elections
Nagsalita na ang Malakanyang sa pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-senador sa 2022 elections.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Secretary Karlo Alexi Nograles na nais lamang ni Pangulong Duterte na maglingkod pa sa bayan taliwas sa nauna niyang pahayag na magreretiro na sa politika pagkatapos ng kanyang termino sa June 30, 2022.
Ayon kay Nograles hindi totoo ang akusasyon ng mga kalaban ng Pangulo na umiiwas siya sa pag-uusig ng Internatinal Criminal Court o ICC dahil sa isyu ng human rights violations kaya kumandidato sa Senado.
Inihayag ni Nograles nasa kamay ng mga botante ang pagpapasiya kung gusto pa nilang maglingkod sa bayan si Pangulong Duterte.
Niliwanag ni Nograles ang hakbang ng Pangulo ay hindi na bagong bagay dahil ginawa na ito ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na tumakbong kongresista nang matapos ang kanyang termino noong 2010.
Vic Somintac