Malakanyang, pinag-aaralan ang pagbibigay ng cash incentive sa Gov’t casual employees
Pinag-aaralan ng Department of Budget and Management (DBM) ang posibilidad na bigyan ng cash gift ang mga manggagawang contractual sa gobyerno.
Tugon ito ng Malakanyang sa panawagan ng mga contractual na kawani sa mga tanggapan ng gobyerno na sana ay bigyan sila ng 10,000 gratuity pay dahil wala silang 13th month pay.
Sa ilalim ng batas. hindi kasali ang mga contractual employee ng gobyerno sa binibigyan ng 13th month pay.
Sinabi ni acting Presidential Spokesman Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na tinitingnan na ng DBM kung ano ang magagawa sa hirit ng government contractual employees.
Inihayag ni Nograles kinukuha ang yearend cash gift para sa mga contractual na kawani ng gobyerno sa savings sa ahensiya na kinabibilangan.
Vic Somintac