Mga residente ng Mati city, Davao oriental pinagkalooban ng tulong ni Senador Bong Go katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan
Ngkaloob ng tulong si Senador Christopher Bong Go katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan sa mga residente ng Mati city, Davao oriental.
Kabilang sa ipinamahagi sa libo libong mga residente ay mga pagkain, facemask , sapatos at bisikleta .
Ang mga kabataan naman ay pinagkalooban ng computer tablets na magagamit sa kanilang online class.
Samantala financial assistance naman ang ipinagkaloob ng Department of Social welfare and development ( DSWD) upang makaagapay sa pang-araw araw na pangangailangan ng mga residente sa Mati city.
Nagkaloob naman ang Department of trade and industry ( DTI ) ng tulong kabuhayan sa mga indibidwal at pamilya habang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay nagbigay ng scholarship grants sa mga kwalipikadong beneficiaries.
Hinikayat naman ni GO ang mga residente na magpabakuna ang mga ito upang makatulong sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na makarekober na ang bansa sa epekto ng COVID- 19 pandemic.
Earlo Bringas