66 milyong halaga ng smuggled na Agricultural products nasabat sa Subic
Aabot sa 66 milyong pisong halaga ng smuggled na agricultural products ang nasabat ng Bureau of Customs sa Subic.
Ayon sa BOC, nakatanggap ang Port of Subic ng derogatory information hinggil sa mga nasabing shipment na naka consign sa JKJ International Co. at EMV Consumer Goods Trading.
Matapos isailalim sa eksaminasyon, nakita na ang laman ng shipment ay carrots, sweet oats, broccoli, mushroom, at red onions.
Ayon sa Intelligence Group ng BOC, ilang beses ng nagpalit ng pangalan ang EMV Consumer Goods pero hindi naman ito nakakalusot.
Nag-isyu narin ng Warrants of Seizure and Detention ang BOC port of Subic laban sa nasabing shipments dahil sa paglabag sa Circular ng Department of Agriculture hinggil sa importasyon ng plant products for commercial use at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
iniyak naman ng BOC ang pinaigting na monitoring laban sa mga smuggled na produkto lalo’t nalalapit na ang holiday season.
Madz Moratillo