Imbestigasyon sa ‘war on drugs’ sa Pilipinas, sinuspinde ng ICC
Sinuspinde ng International Criminal Court (ICC) ang kanilang imbestigasyon, sa hinihinalang pag-abuso sa karapatan na nagawa sa ilalim ng “war on drugs” ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong Setyembre, ay inawtorisahan ng Hague-based court ang imbestigasyon sa kampanya na ikinamatay na ng libu-libong katao, sa pagsasabing nakakahalintulad ito ng hindi lehitimo at sistematikong pag-atake sa mga sibilyan.
Si Duterte ay nahalal noong 2016 sa isang kampanya na nangangakong tatapusin na ang problema sa droga sa Pilipinas, kung saan lantaran nitong ipinag-utos sa pulisya na patayin ang drug suspects kapag nalagay sa panganib ang buhay ng mga pulis.
Ayon sa latest official data na ipinalabas ng Pilipinas, hindi bababa sa 6,181 ktao ang nasawi sa higit 200,000 anti-drug operations na isinagawa mula July 2016.
Sa pagtaya naman ng ICC prosecutors, ang bilang ng mga namatay ay nasa pagitan ng 12,000 at 30,000.
Batay sa mga dokumento ng korte, hiniling ni Philippine ambassador Eduardo Malaya ang pagpapaliban.
Ayon sa isang court notification na may petsang November 18, sinabi ni ICC prosecutor Karim Khan . . . “The prosecution has temporarily suspended its investigative activities while it assesses the scope and effect of the deferral request.”
Aniya, ang prosekusyon ay hihiling ng karagdagang impormasyon mula sa Pilipinas.
Tumiwalag ang Pilipinas mula sa ICC noong 2019 matapos nitong ilunsad ang isang paunang imbestigasyon, ngunit ayon sa korte mayroon pa rin itong hurisdiksiyon sa mga nagawang krimen habang ang Pilipinas ay kasapi pa ng ICC.
Makaraan ang matagal na hindi pagtanggap na ang korte ay mayroong kapangyarihan na makialam, at tumanggi rin na makipag-cooperate, nitong Oktubre ay sinabi ni Duterte na paghahandaan niya ang kaniyang depensa.
Sa kabila ng kahilingan sa ICC, iginiit pa rin ng Pilipinas na ang korte ay walang hurisdiksiyon sa bansa.
Ayon sa tagapagsalita ng pangulo na si Karlo Nograles . . . “We reiterate that it is the position of the Philippine government that the International Criminal Court has no jurisdiction over it. At any event, we welcome the judiciousness of the new ICC prosecutor, who has deemed it fit to give the matter a fresh look and we trust that the matter will be resolved in favour of the exoneration of our government and the recognition of the vibrancy of our justice system.”
Sa kaniyang liham na humihiling ng pagpapaliban sa imbestigasyon, sinabi ni ambassador Malaya na iniimbestigahan ng Pilipinas ang umano’y mga krimen laban sa sangkatauhan na nagawa sa panahon ng drug war.
Aniya . . . “The Philippine government has undertaken, and continues to undertake, thorough investigations of all reported deaths during anti-narcotic operations in the country.”
Ibinasura naman ng Human Rights Watch ang pag-aangkin ng gobyerno na ang umiiral na mga domestic mechanism ng Pilipinas, ay nagbibigay ng hustisya sa mga mamamayan at sinabing wala iyong katotohanan at isang pagtatangka lamang na pigilan ang pagsisiyasat ng ICC.
Ayon sa Asia director ng naturang rights group na si Brad Adams . . . “Only 52 out of thousands of killings are in early stages of investigation. Despite many clear-cut cases of murder, no charges have even been filed.” (AFP)