Dalawang proyekto para suportahan ang mga MSMEs sa bansa, inilunsad ng USAID
Bilang bahagi ng Philippine Startup Week, dalawang aktibidad na naglalayong suportahan ang MSMEs o micro, small and medium enterprises sa bansa ang inilunsad ng USAID.
Isa na rito ang Project MATCH na grant activity para mag-develop ng marketplace at resource platform na tutugon sa pangangailangan ng startups at MSMEs.
Ang pangalawang proyekto ay ang Impact Pioneers Network na layon na magkaroon ng local investment capital para pondohan ang mga enterprises na tumutugon sa edukasyon at trabaho, agrikultura, pangingisda, affordable healthcate, climate crisis at gender inequality.
Naniniwala ang USAID na makatutulong ang mga inilunsad na aktibidad para ma- empower ang mga MSMEs at magkaroon ito ng mas aktibong papel sa pag-agapay sa ekonomiya ng bansa na makarekober mula sa negatibong epekto ng pandemya.
Kasama ng USAID Philippines sa virtual launching ng mga programa ang pamunuan ng DTI at iba pang kinatawan ng pribadong sektor.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na sa pamamagitan ng mga nasabing inisyatiba at multilateral partnerships ay makakamit ang hangad ng bansa na mapalakas ang MSMEs at startups na susuporta naman sa paglago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho, innovation at financial inclusion.
Moira Encina