Presidentiables at Vice Presidentiables, hindi pipilitin ng Malakanyang na sumailalim sa drug test
Walang karapatan ang Malakanyang na pilitin ang Presidentiables at Vice Presidentiables, na sumailalim sa drug test para malaman kung sino ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na presidential candidate na gumagamit ng cocaine.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles, na ang pagpapa-drug test sa mga kakandidato sa 2022 elections ay hindi compulsory kundi dapat voluntary ayon sa 2008 ruling ng Korte Suprema.
Ayon kay Nograles, nasa desisyon ng mga kandidato kung sasailalim sila sa drug test para patunayan sa publiko na sila ay drug free.
Batay sa record, una nang boluntaryong nagpa- drug test sina Presidential at Vice Presidential aspirant Senador Panfilo Ping Lacson at Senate President Tito Sotto, na sinundan din ni dating Senador Bongbong Marcos na pawang negatibo sa illegal substance ang lumabas na resulta.
Vic Somintas