Sen. Ping Lacson at Senate President Vicente Sotto, sumailalim sa drug test
Personal na nagtungo sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, sina Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate President Vicente ‘’Tito’ Sotto, para sumailalim sa multi-drug testing.
Ayon kay Sotto, sa prosesong ito ay maaaring ma-check ang lahat ng illegal drug substances sa kanilang katawan.
So ordinaryong drug testing kasi aniya, ang madi-detect lang ay kung gumamit ng marijuana at shabu ang isang indibidwal.
Nais patunayan ng dalawa na pareho silang negatibo sa anomang illegal drug substance, at hindi sila ang tinutukoy ng pangulo na kandidatong gumagamit ng cocaine.
Ayon kay Sotto . . . “If we recall, sa Republic Act 9161 na ako ang principal author, nilagay ko yun na dapat lahat ng kakandidato ay sasalang sa drug test. Ang problema, it was shutdown by the Supreme Court because it says na unconstitutional, and true enough I did realized it then. Kasi nakalagay sa Constituion na ang qualification ng puwedeng kumandidato ay dapat Filipino citizen, knows how to read or write our language so tama sila, so ginawa ko noon voluntary na lang.”
Matapos ang apat na oras na pagsusuri, ay idineklara ng PDEA na negatibo naman sa ilegal na droga ang dalawa.
Kung si Senator Manny Pacquiao naman ang masusunod, nais niyang gawin ang pagsusuri sa pamamagitan ng hair folicle.
Hnada namang sundan ni Senator Bong Go ang ginawa ng mga kapwa niya senador, kahit pa hinti ito requirement sa mga kumakandidato.
Ayon kay Go . . . “Willing ako magpa-drug test anytime of the day. Anytime po kung kakailanganin. Though hindi mandatory, pero just to prove lang po sa Filipino kung sino yung fit na mamuno sa ating bansa ay willing po akong magpa-drug test, any time of the day po. Kahit saan po willing po akong magpa-drug test. Para patunayan kung sino po yung fit na mamuno sa ating bansa.”
Dapat rin aniyang isapubliko ang anumang ebidensya na magpapatunay na gumagamit ng illegal drugs ang isang kumakandidato
Sa pamamagitan nito maaari silang agad na makasuhan, at malalaman ng publiko kung sino ang karapat dapat na iboto.
Meanne Corvera