Mga ayaw magpabakuna kontra COVID-19 hindi dapat tanggapin sa mga pampublikong lugar – PRRD
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag tanggapin sa mga pampublikong lugar tulad ng restaurant at resort ang mga ayaw magpabakuna kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang regular weekly Talk to the People kaugnay ng kampanya ng pamahalaan sa mass vaccination program para maresolba na ang problema sa pandemya ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Pangulo ang mga unvaccinated individual laban sa COVID-19 ay maituturing na banta sa kalusugan ng publiko dahil sa pandemya ng coronavirus.
Inihayag ng Pangulo na karapatan ng estado na protektahan ang kalusugan ng bawat mamamayan ganun din ang mga may-ari ng negosyo na protektahan ang kanilang pinagkakakitaan.
Binabanggit ng Pangulo ang nangyayari sa mga bansa sa Europa at Amerika na muling tumataas ang kaso ng COVID-19 dahil sa hindi pagsusuot ng facemask at pagtanggi ng kanilang mga mamamayan na magpabakuna laban sa COVID -19.
Vic Somintac