Hindi pagkilala sa PhilID, may katumbas na 500,000 pisong multa
Muling pinaalalahanan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor, na sila pagmumultahin ng PHP500,000 sa sandaling tumanggi silang kilalanin ang Philippine Identification (PhilID) card.
Isinasaad sa Republic Act No. 11055 o Philippine Identification System (PhilSys), na ang PhilID o national ID ay isang balidong pruweba ng pagkakakilanlan at dapat tanggapin sa lahat ng mga transaksiyon.
Sa kanilang social media post noong November 10, iginiit ng PSA na sa ilalim ng PhilSys Act, ang PhilID ay dapat na magsilbing “official government-issued identification document” sa pam-pribado o pang-gobyernong transaksiyon.
Ayon sa post . . . “The PhilID Card shall be accepted as sufficient proof identity, without the need to present any other identification documents.”
Sa ilalim ng batas, pagmumultahin ng PHP500,000 ang sinumang tatangging tanggapin at/o kilalanin ang PhilID.
Kung ang paglabag ay ginawa ng isang opisyal o empleyado ng gobyerno, kabilang sa parusa ang “perpetual absolute disqualification” sa paghawak ng alinmang posisyon sa gobyerno o pagiging empleyado ng gobyerno sa alinmang government-owned and controlled corporations(GOCCs) at kanilang subsidiaries.
Hanggang noong October 31, hindi bababa sa 3.1 million PhilID cards ang naideliver ng Philippine Postal Corporation, habang 40,264,550 naman ang natapos nang i-proseso, malapit na sa target na makapagrehistro ng hindi bababa sa 50 milyong Filipino ngayong taon.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa . . . “The PSA salutes all those who contributed to this milestone for the PhilSys Step 2 Registration. As we are nearing the conclusion of another year, we look forward to attaining our goals in registering the general population to PhilSys. Rest assured that the PSA, together with its field offices and partner agencies, are working diligently and in unison despite the pandemic to ensure that more Filipinos can use their PhiIIDs to access various services.”
Nilagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2018, ang Republic Act 11055, o ang Philippine Identification System Act, ay naglalayong magtatag ng isang pambansang ID para sa lahat ng Pilipino at residenteng dayuhan.