OSG ikinatuwa ang desisyon ng SC sa Anti-Terror law case
Pinuri ng Office of the Solicitor General (OSG) ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa constitutionality ng Anti- Terrorism Act.
Sa statement ng OSG na tumayong abogado ng gobyerno sa pagdipensa sa batas, sinabi na nagsalita na ang “final arbiter.”
Maliban anila sa dalawang bahagi ng ATA na idineklarang labag sa Saligang Batas ay kinatigan ng Supreme Court ang constitutionality ng 58 iba pang probisyon ng batas.
Ayon sa OSG, ang desisyon ng SC ay patunay na may pangangailangan ang bansa ng “dynamic law” para malabanan ang terorismo.
Iginiit ng OSG na dahil sa ATA ay mas akma na ang legal framework para maprotektahan ang mga mamamayan mula sa terorismo.
Moira Encina