Walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng lindol sa Indonesia
Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng naganap na lindol sa Indonesia ngayong araw, December 14.
Sinabi PHIVOLCS na ang humigit-kumulang na distansiya ng lindol mula sa bansa ay 2,495 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS . . . “Hazardous tsunami waves are possible for coasts located within 1,000 kilometers of the earthquake epicenter.”
Ayon naman sa US Geoligical Survey, ang sentro ng 7.3-magnitude na lindol ay nasa hilaga ng isla ng Flores.
Nagbabala naman ng potensiyal na tsunami ang Meteoroligical, Climatology and Geophysical Agency ng Indonesia na nag-udyok ng paglikas sa ilang lugar doon.