Telcos, inatasan ng NTC na magbigay ng free call at maglagay ng charging stations sa gitna ng Bagyong Odette
Inatasan na ng National Telecommunications Commission ang mga telecommunication company na magbigay ng libreng tawag at maglagay ng charging stations sa mga lugar na dadaanan ng bagyong Odette.
Ayon sa NTC, dapat may sapat na technical at support personnel ang mga telco sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Dapat may naka standby generator din umano ang mga ito sa mga lugar na dadaanan ni Odette.
Pinabibilisan din ng NTC sa telcos ang repair at restoration ng telecommunication services sa mga apektadong lugar.
Ang bagyong Odette ay tinayang magla-landfall sa Caraga-Eastern Visayas sa Huwebes.
Madelyn Moratillo
Please follow and like us: