Comelec, ibinasura ang ilang mosyon kaugnay sa unang petition for cancellation laban sa kandidatura ni Dating Senador Bongbong Marcos
Ibinasura ng Commission on Elections 2nd division ang kahilingan ng mga petitioner hinggil sa unang petition for cancellation laban kay Presidential aspirant Bongbong Marcos.
Sa inilabas na order ng Comelec 2nd division, hindi pinagbigyan ng poll body ang hiling ng petitioners na atasan ang Bureau of Internal Revenue na ilabas ang Tax Compliance Verification Records at iba pang dokumento kaugnay ng umano’y hindi nabayarang buwis ni Marcos.
Hinihiling rin sana ng petitioners na makuha ang Certified True Copy ng desisyon ng Quezon City RTC branch 105 at ng Court of Appeals at maging proof of payment ni BBM.
Ibinasura rin ng Comelec 2nd division ang hiling na magsagawa ng face to face na pagdinig sa kaso.
Samantala, binigyan naman ng 5 araw ng Comelec 2nd division ang magkabilang partido para magsumite ng kanilang memorandum.
Dito ilalagay ang written arguments ng petitioners at kampo ni Marcos.
Pagkatapos nito, idedeklara ng submitted for resolution ang kaso.
Madz Moratillo