PRRD, inatasan ang DOE na agarang ibalik ang power supply sa mga lugar na tinamaan ng bagyo
Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Odette.
Kahapon, personal na binisita at tiningnan ng Pangulo ang sitwasyon sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao partikular sa Dinagat at Siargao islands at ngayon ay bumisita naman sa Bohol at Cebu.
Sinabi ni Acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na maliban sa DOE, inatasan din ng Pangulo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na mag-install ng very small aperture terminal (VSAT) equipment sa Siargao island at mga satellite phone upang matiyak ang koordinasyon at komunikasyon ng LGU sa Office of the Civil Defense para sa kakailanganing tulong.
Ani Nograles, ang DICT ay mayroong emergency cooperation system na ide-deploy sa Siargao.