Bilang ng pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette, pumalo sa 181,500 – NDRRMC
Umakyat pa sa 181,500 families mula sa 2,209 Barangay ang naapektuhan ng paghagupit ng bagyong Odette hanggang kaninang alas-10:00 ng umaga.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga Barangay na ito ay mula sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Regions 5 (Bicol), 6 (Western Visayas), 8 (Eastern Visayas), 10 (Northern Mindanao), 11 (Davao), 12 (Soccsksargen), 13 (Caraga), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nasa 107,816 families ang nananatili sa 2,861 evacuation centers katumbas ito ng nasa 427,903 indibidwal.
Habang ang nalalabing bilang ay nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak at kakilala.
Samantala, nasa 135 lugar naman sa Mimaropa, Regions 7, 8, 10, at BARMM ang patuloy na nakararanas ng kawalan ng suplay ng komunikasyon at kuryente.
Nasa 3,612 naman ang partially damaged houses at 171 totally damaged houses ang iniwan ng bagyo sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Caraga, at BARMM.