Telcos at iba pang ISP, inatasan ng NTC na tiyakin ang minimal disruption ngayong holiday season
Mahigpit ang utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa lahat ng telecommunications at internet service providers sa bansa na siguruhin ang minimal service disruption at downtime sa kanilang serbisyo ngayong holiday season.
Batay sa memorandum ng NTC na pirmado ni Commissioner Gamaliel Cordoba, nakasaad na mula December 17, 2021 hanggang January 7, 2022, dapat bilisan ng mga telco at ISP ang kanilang maintenance efforts.
Dapat din umanong itaas ng mga ito ang kanilang internet/broadband capacities.
Dapat ding masiguro na walang magiging antala sa serbisyo at maging ang disaster recovery protocols 24/7.
Ayon sa NTC, inaasahan na ang surge sa internet traffic sa holiday season.
Lalo na umano at ikinakampanya ng Department of Health ang virtual celebration ng holiday season sa gitna ng nagpapatuloy pang COVID-19 pandemic at banta ng Omicron variant.
Madelyn Moratillo