Pagpapalabas ng P100-M savings ng MMDA, aprobado na
Inaprubahan ng Metro manila mayors ang pagpapalabas ng isandaang milyong pisong savings ng Metro Manila Development Authority para ibigay na ayuda sa mga biktima ng bagyong odette sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na nagpasa ng resolusyon ang Metro manila council para tulungan ang mga apektado ng kalamidad.
Prayoridad aniya nila ang mga local government units na nagkaroon ng matinding pinsala.
Sa halip na relief goods cash na ibibigay sa mga LGU ang pondo para makatulong sa kanilang recovery effort .
Samantala nagdeploy ang MMDA ng 62 personnel patungong bohol mula ito sa kanilang Public Safety Division (PSD), Road Emergency Group , Metro Parkways Clearing Group at Flood Control and Sewerage Management Office dala ang kanilang gen set chainsaw at water purifiers para tumulong sa mga clearing operations.
May team rin na ipinadala sa Tacloban City, Maasin, Sogod municipality sa Kaitagan Bontoc, at Isla Limasawa sa Southern Leyte.
Meanne Corvera