US gov’t nagbigay ng dagdag na P50-M halaga ng relief support
Umaabot na sa Php60 million o US$1.2 million ang halaga ng tulong na naibigay ng gobyerno ng US para sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette.
Ito ay makaraang magkaloob ng karagdagang Php50 million sa inisyal na Php10 milyon na relief support ang Estados Unidos sa bansa.
Ayon sa US Embassy, ang dagdag na pondo ay gagamitin ng USAID at ng World Food Programme (WFP) sa logistics at emergency telecommunications support sa mga apektadong lugar.
Magtatayo rin ang WFP ng apat na emergency logistics hubs sa Surigao del Norte para sa storage at distribution ng relief supplies.
Sa tulong din ng US ay dadalhin ng WFP ang mga family food packs mula sa pamahalaan ng Pilipinas para mapakain ang libu-libong Pinoy na naapektuhan ng kalamidad at umagapay sa pagsasaayos ng telecommunications networks para masuportahan ang response efforts.
Moira Encina