Presyo ng mga prutas ngayong nalalapit ang ang bagong taon, tumaas
Dalawang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon dumoble ang presyo ng mga prutas.
Sa Litex market sa Quezon city, ang dating 150 hanggang 180 kilos ng seedless na grapes ay aabot na ngayon sa 200 hanggang 300 kada kilo.
Ang yellow na pakwan 60 hanggang 80 kada kilo, depende sa size habang ang red na pakwan 200 ang kada piraso.
100 kada piraso ang local na suha pero ang imported 150 pesos.
Ang orange na dating 20-25 pesos, 35 o 3 for 100 ang bentahan ngayon.
Ang longan 150 ang kilo noong nakaraang linggo ngayon 200 na kada kilo.
Ang Mangoosteen dating 200 hanggang 220 ngayon 300 na kada kilo.
Ang kiwi dating 25 pesos ngayon 40 na kada piraso.
Ayon sa mga nagtitinda direkta naman silang bumibili sa bagsakan sa Divisoria pero nagulat rin sila na biglang sumirit ang presyo kahapon.
Ilan sa kanila malungkot dahil matumal ang bentahan at paisa isang piraso na lang ang binibili ng mga namimili.
Bukod sa mga prutas may nagbebenta rin ng mga bagong katay na kambing 500 kada kilo ang pang papaitan na dating 300 pesos ang kada kilo.
Sa ngayon nagpakalat ng mga tauhan ang Quezon city Police District sa Litex market sakaling bumuhos na ang mga mamimili lalot 24/7 na ang mga tindahan .
Meanne Corvera