BSP pinatitiyak sa mga bangko ang availability ng online services at cash sa ATMs ngayong holiday season
Inabisuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na siguraduhin ang availability ng cash sa kanilang automated teller machines (ATMs) ngayong holiday season.
Bukod dito, pinaalalahanan ng BSP ang mga
bangko na tiyakin na available din sa mga kliyente ang kanilang online services gaya ng mobile banking apps.
Ito ay bunsod na rin ng ipinaiiral na health at safety protocols na naglilimita sa face-to-face transactions.
Pinayuhan naman ng central bank ang mga consumers na i-practice palagi ang cyber hygiene sa mga pinansiyal na transaksyon.
Para maprotektahan ang financial consumers mula sa cyber fraud at scams, isinusulong ng BSP ang “SECURE.”
S-Strange or Suspicious messages or persons should not be entertained
E-Exclusive knowledge and use of one’s own password
C-Carefully form strong passwords
U-Use two-step verification process
R-Review transaction history and report suspicious transactions
E-Enable alert notification
Moira Encina