Pangulong Duterte, pinangunahan ang paggunita sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggunita sa ika -125 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal na isinagawa sa Rizal National Monument sa Rizal Park sa Maynila.
Ang paggunita ngayong taon ay may temang “Rizal: Para sa Agham, Katotohanan at Buhay” (Rizal: For Science, Truth, and Life).
Nagsimula ang seremonya sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas na sinabayan ng pagtugtog ng Lupang Hinirang ang Pambansang Awit ng Pilipinas.
Nag-alay ang Pangulo ng bulaklak sa bantayog ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.
Samantala, dumalo at nakiisa naman sa seremonya sa Maynila sina National Historical Commission of the Philippines chairperson Dr. Rene Escalante, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, MMDA chair Benhur Abalos, at Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Andres Centino.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno at Senator Bong Go.