Ilang indibidwal na umano’y umiiwas sa quarantine sa pamamagitan ng mga koneksyon sa gobyerno , pinaiimbestigahan
Pinaiimbestigahan ni Senate majority leader Juan Miguel Zubiri ang umano’y paglabag sa quarantine protocol ng ilang nanggaling sa abroad gamit ang kanilang koneksyon sa gobyerno.
Kaugnay ito ng napaulat na hindi na sumailalim sa itinatakdang isolation period ang mga nanggaling sa abroad at ginagamit umano ang koneksyon at pera para hindi na sumailalim sa quarantine.
Tinukoy ni Zubiri ang isang umanoy nag-skip ng quarantine na dumalo pa ng mga pagtitipon kaya nagpositibo sa COVID-19 pati ang mga kaibigan nito.
Nangangamba si Zubiri dahil maaring magresulta ito ng Community transmission lalo na kung nakakuha pala ito ng Omicron virus sa abroad.
Sinabi pa ni Zubiri dapat parusahan ng DOT , DOH at DILG ang sinumang nagpalusot at kasabwat nito at bakit pinayagan itong mangyari.
Inilagay raw sa panganib ng mga iresponsableng opisyal ang kalusugan ng mga filipino at ang heathcare system ng bansa.
Meanne Corvera