Hakbang ng Metro manila na huwag palabasin ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID -19 suportado ng Malakanyang
Pinaburan ng Malakanyang ang desisyon ng Metro Manila Council na hindi papayagang makalabas ng kanilang tahanan ang mga wala pang anti COVID -19 vaccine sa ilalim ng alert level 3.
Sinabi ni Presidential Adviser on COVID-19 Response Secretary Vince Dizon sa Laging Handa press briefing na napapanahon ang desisyon ng mga Metro Manila mayors dahil ang mga wala pang bakuna ay vulnerable sa omicron variant ng COVID-19 na maaari nilang ikamatay.
Ayon kay Dizon, tama lamang na ilimita sa essential ang galaw ng mga wala pang bakuna laban sa COVID-19.
Inihayag ni Dizon kinakailangang magpabakuna na wala pang anti COVID – 9 vaccine dahil mabilis nakahawa ang omicron variant matapos makumpirma ang local case sa bansa.
Vic Somintac